Monday, October 25, 2010

Puno ng Buhay at Birheng Langis ng Niyog....


Magandang araw po sa lahat ng magbabasa ng blog na ito!

Ang blog na ito ay kasaysayan ng isang napakagaling at napakabisang produkto na siyang pinag-umpisahan, pinangalingan, o tinularan ng mga gumagawa ng "Virgin Coconut Oil" sa panahon ito..... na hindi naman makuha ang tunay na bisa ng "Virgin Coconut Oil"!

Narinig na po ba ninyo o nabalitaan ang "BIO-ALCA VIRGIN OIL", sasabihin ko na lang sa inyo na siguradong hindi pa...dahil pinatay o sinira na ng mga taong gahaman sa salapi ang produktong ito.....sa blog na ito, ating ibabalik ang galing at kahusayan ng produktong ito....

Hindi ko na sana ilalabas ang pangalan ng produktong ito pero kailangan ko ng gawin dahil sa dami ng namamatay sa Cancer, Leukemia, Diabetes, at mga bagong sakit katulad ng H1N1, Dengue, HIV/Aids, at marami pang iba...

Gayundin ang patuloy na pagkasira ng ating kalikasan dahil sa dami ng namamatay na ilog, at mga basurang nagdudulot ng pagdami ng "Methane" na ating mga nalalanghap at humahalo sa hangin....

Ang produktong ito lang at ang kanyang mga "By-products" na kung tawagin natin sa "Wikang Filipino" ay retaso o sobra o labi, na ang lahat ay galing sa ating "Puno ng Niyog" at ensema ng mga prutas at gulay ang tunay na tutulong sa ating kalusugan at namamatay na kalikasan....malalaman ninyo lahat ito kung magpapatuloy ng pagbasa...

Kung inyong titignan ang sertipikong ibinigay ng Philippine Copyright Office, inyong mapapansin na ang petsa ay December 3, 2003 at ang nakarehistrong pangalan ay ang inyong kaibigan, pero bakit hangang ngayong mga panahon ito ay wala pa ang produktong ito sa mga pamilihang bayan, o sa merkado....

Ang "BIO-ALCA VIRGIN OIL" ay isang produktong kinabibilangan ng mga buhay na ensema (Enzymes) na kung ito ay wala ay mawawalan din ng silbi ang "Birheng Langis ng Niyog", ang kahalagahan ng mga ensema na puwede nating tawaging "Beneficial Microorganism" o mga mikrobyong may benepisyo ay galing sa mga prutas at gulay na mga organiko....na siyang sumusuot o sumisiksik sa mga ugat ng taong may karamdaman o mahina ang katawan...

Gusto kong malaman ng mga kaibigan ko sa mga network ng facebook, twitter, tagged, google reader at buzz ang tunay na kasaysayan ng "Virgin Coconut Oil" o "Birheng Langis ng Niyog" na napakatagal ng ginagawa na halos isang siglo (100 years) na ng ating mga ninuno pero sa isang iglap ay ipinakila bilang isang pagkain na nakakatulong sa mga karamdaman....

Pero tunay po ba ang "Virgin Coconut Oil" na nasa pamilihan bayan sa ngayon kung ito ay inyong nasubukan ng gamitin sa pangangalaga ng inyong kalusugan o nakasasama pa?

Ang mga simpling ginagawa para makakuha ng langis sa Niyog ay ang pagluluto ng gata, o kumuha ng magulang na niyog, pigain ang gata at ilagay sa lugar na mainit, pero sa prosesong ito ay karamihang hindi nakakuha ng langis, tsambahan lang ika nga, pero kung sakali naman na kayo ay makakuha ng langis, ito po ang tunay na birhen dahil hindi kayo gumamit ng init na pangluto o ginamitan ng makina.....pero ito ba ang nakakagaling o nakakatulong sa pangangalaga ng inyong kalusugan?

Hindi ko masasabing nakakatulong dahil sabi ko nga halos isang siglo na o maaring lagpas pa, na ito ay ginagawa na ng ating mga ninuno, di sana hindi na nauso ang mga sakit na halos ngayon lang sa panahong ito natin nararanasan....

Ano ba talaga ang "BIO-ALCA VIRGIN OIL" at ano ang maitutulong nito sa kalusugan at kalikasan?

Ang kuwentong ito ay batay sa tunay na pangyayari sa buhay ng may akda. Medyo mahaba lang po ito kaya sana po ay bigyan ninyo ng kaunting panahon sa pagbasa, makakaasa po kayong ang inyong mababasa ay makakatulong sa inyo at gayundin sa ating namamatay ng kalikasan.....malalaman din ninyo kung bakit ang kantang pagbabalik ng ASIN ang ginamit nating pinaka-theme ng blog na ito....

Pero bago ang lahat ay sasabihin ko sa inyong ang mga tunay na pangyayaring inyong matutunghayan ay walang halong kasinungalingan dahil ang mismong may-akda ay galit sa sinungaling na tao, kaya kung sakaling may kasinungalingan isusulat dito ay susurutin araw-araw ng budhi ko ang aking sarili....dahil tiyak na magagalit ang ating "Diyos" kung gagawa ako ng kasinungalingan.....

Ito po ang kuwento:

Taong 2001 ng may mabasa akong research o pananaliksik ng isang doktor (Hindi Pilipino) ang nagsasabing sa loob ng dalawanpong taon ay mapapalitan na ang mga modernong sistema ng pangagagamot ng mga pangkaraniwang mga ensema (Enzymes)lang ng mga prutas at gulay ang tanging gagamitin....

Taong 2000 pa ako naging makakalikasan dahil sa awa sa mga kababayang natabunan ng mga basura sa Payatss, at sumumpa sa "Diyos" at sarili na gagamitin ko na lang natitira ko pang buhay at konting talino sa pagtulong sa kalikasan at sa kapwa tungkol sa kalusugan dahil sila man o tayo ay nabibilang sa ating kalikasan..

Taong 2003 sa paghahanap ko ng mga bagay na makakatulong sa ating kalikasan ay nakakarating ako sa malalayong lugar ng Pilipinas, at isa sa aking napuntahan ay ang San Pablo City sa lalawigan ng Laguna...dito ay nakilala ko si Prof. Luis Cervantes o si "Ka Luis" na isa ding makakalikasan at nabanggit niya ang kagalingan ng ensema ng prutas at gulay noong minsang naglalakbay kami papuntang Quezon kung saan makikita ang makinang naghihiwalay ng pulbos ng niyog galing sa bunot....

Totoong nagkainteres ako at nagsabing igawa niya ako ng ensema (Enzymes)na ginagamit nila sa paglilinis ng kulungan ng baboy, pati ang ensema ng sinasabi niyang pag-gawa ng "Virgin Coconut Oil"(Si "Ka Luis" ang unang gumawa ng Copyright ng VCO gawa sa tulong ng ensema)at tulungan ako sa paggawa ng Copyright at babayaran ko siya....pero hindi pa kami nagkasundo noong pagkakataong iyon dahil susubukan ko pa, at nag-uwi o bumili muna ako ng ensema sa kanya na nakalagay sa magkaibang litro ng bote na halagang anim na raan piso ang isa, pati ng "Virgin Coconut Oil" sa isang maliit na bote ng catsup sa halagang apatnaraang piso...

Sa pag-uwi ko sa Meycauayan ay pinag-aralan ko kung mapadami ko ang mga ensema gamit ang konti kong natutunan noong ako ay nag-aral ng Vocational Chemistry sa isang paaralan sa Manila....pero bigo ako sa pagkakataong iyon na mapadami ang ensema para makagawa ng "Virgin Coconut Oil" dahil laging pumuputok ang bote ng plastic kung ito ay ipe-ferment ko o ibuburo....kaya ang ginawa ko ay sumubok ng sariling gawa ko na kuha sa ibang prutas at gulay, at isa sa ginamit ko ang "Carrot" na siyang nagligtas sa buhay ko noong taong 1991 noong ako ay isang empleyado pa ng PLDT...

Saka ko na ikukuwento ang pangyayaring iyon at dito na muna tayo sa "BIO-ALCA Virgin OIL" sa madaling sabi, inihalo ko ang pinagsama-samang ensema at "Virgin Coconut Oil" at inintay ko ulit mahiwalay ang ensema ng mga prutas at gulay...

Sa paghihiwalay ng langis at tubig na ensema, ang ensema ay kinuha ko at dinagdagan ng honey o pulot-pukyutan, sabaw ng buko, at saka mineral water at inimbak ng ilang araw...di ko isusulat ang pag-gawa ng ensema at kung ilang araw iimbak dahil nandirito ang sikreto, o trade secret sa wikang englis...dito sa panahong ito darami ang ensema at magiging aktibo ang katas ng "Virgin Coconut Oil", kaya wala itong halong VCO liban sa katas o "Extract" na kung ako ang tatanungin, nandirito ang mas mabisa.....at hindi sa langis.....

Nang ako ay nakakatiyak na sa aking produkto ay ipinatawag ko ang ina ng isang dalagita na mamamatay na sa sakit na "Leukemia", ang batang ito ay ipinauwi na ng ospital at sinabing intayin na lang sa bahay ang kamatayan....

Ang sabi ko sa ina...tutal mamamatay na si "Lucy" (Itago natin siya sa pangalaang Lucy) ay subukan mo itong ipainom at humingi ka ng tulong sa ating "Diyos", dahil hindi pa din ako nakakatiyak sa produktong iyan sa sakit ng anak mo.....si "Lucy" ay ipinanganak na may butas ang puso at kaya siya nagka-leukemia ay dahil sa mga gamot na kanyang iniinom....

Kinuha ng ina ang bote at ipinasiyang ipainom sa bata....na kasalukuyang nakaratay na at halos di gumagalaw, at himala sa himala, at kahit ako ay hindi makapaniwala, after two weeks o pagkalipas ng dalawang linggo, ang batang si Lucy ay tumayo sa kanyang pagkakaratay at bumalik ang sigla.....pumunta pa siya sa isang pagtitipon sa aming bahay na ikinagulat ng mga kawani ng DSWD na siyang naga-asikaso sa kanya noong hindi pa siya nakaratay....na nagaakalang siya ay patay na....

Bago matapos ang taong 2003 ay bumalik ako kay "Ka Luis" sa Laguna at sinabing kong tulungan ako sa pag-gawa ng Copyright, at sa kanyang pagtataka ay binayaran ko siya ng isandaang libong piso at pinapirma ng kontrata na ang mga ilalabas kong produkto ay magkakaroon siya ng royalty o biyaya dahil natulungan niya ako sa kanyang teyoryang ibinigay o isiniwalat sa akin.....pagkatapos niyang pumirma saka ko ikinuwento ang nangyari sa batang si "Lucy", saka ko din sinabi na ako ay gumawa ng sarili kong ensema.....sa taong 2003 din lumabas ang Copyright ng "BIO-ALCA VIRGIN OIL".....

Taong 2004 ay gumawa kami ni "Ka Luis" ng kompanya sa San Pablo City na may pitong direktor, ang apat ay noong ko lang nakilala sa pagkakataong iyon, at ang mga gagawin ng kumpanyang ito ay mga produktong pangkalusugan at pangkalikasan, at isinilang ang "Lunas Kalusugan Corporation".....pero ang napakalaki kong pagkakamali o biggest blunder ay ang pagsama sa kompanyang ito na pinamumugaran pala ng mga taong gahaman sa salapi.....

Ang akala ng mga Direktor ay gagawin namin ni "Ka Luis" ang mga ensema sa mismong laboratoryo namin, pero ng malaman na iyon ay may copyright at tanging kami lang ni "Ka Luis" ang dapat makaalam ng pag-gawa ay iginawa nila ng istorya na si "Ka Luis" ay hindi karapatdapat maging Presidente ng kumpanya at ako ang ipinalit sa pag-aakalang ituturo ko ito sa kanila.....sa panahong iyon ay kalat na kalat na ang galing ng "BIO-ALCA VIRGIN OIL" na may dalawang produkto, isa ang "Food Supplement" at ang isa ay "Virgin Coconut Oil" na yari o gawa na katulong ang ensema ng mga prutas at gulay....dahil nagbibigay kami ng seminar tungkol dito at napakarami na ding natulungan.....

Bilang Presidente ng korporasyon, may mga nag-aalok sa akin na gamitin ko ang makinang pag-gawa ng Virgin Coconut Oil na kahit na utang ay ibibigay nila basta gagamitin ko lang ang pangalang "BIO-ALCA VIRGIN OIL" na alam nilang napakarami ng nabiyayaan, na hindi ko pinayagan dahil ang katwiran ko lulukuhin lang namin ang mga tao....na hindi nagustuhan ng ibang director.....at gumawa na sila ng mga paraan para masira ang aming korporasyon....

Saan ka nakakakita ng mga director na alam nilang mangloloko ang taong inerekomenda at ginarantiyahan nila na kumuha ng mga produkto na pinapayagan nilang mag-issue ng tseke kapalit ng mga produkto....napakalaki ng nakuhang halaga na bigla naming ikinalugi dahil talbog lahat ang tatlong tseke....

Napakarami din ang mga taong pinayagan nilang mag-obserba sa aming laboratoryo na sinasabing sososyo at may mga kasama pang consultant daw, ang maganda dito hindi ko ginagawa ang ensema sa laboratoryo kaya wala silang makita, hindi pala sososyo kung hindi mangagaya lang.....pero wala silang nalaman sa akin dahil hindi naman ako ganoong katanga....

Sa madaling sabi walang nangyari sa aming inumpisahan ni "Ka Luis" at nagpatuloy na malugi dahil hindi din natuloy ang paglilinis ng Sampaloc Lake na una naming pino-proyekto dahil sa kalakaran ng mga taong gobyerno na gusto sila lang ang kikita....

Nag-resigned na lang ako sa pagkakataong iyon bilang presidente dahil sa nahihiya ako sa taong nag-invest sa amin ng dalawang milyong piso na napunta sa wala sa mga hindi malamang dahilan, at ang aming tresurero at sekretaryo ay gumagawa ng mga paraan para kunin ko na ang makina na hindi ko pinapayagan....kaya mas mabuti pa na sila na lang ang magpatuloy.....at gagawa na lang ako ng sarili kong produkto sa Meycauayan, Bulacan....

Taong 2005 ay nakasingil ako ng kaunting pera sa PLDT sa trabaho kong ginawa sa kanila noong taong 1999, sa tagal ng pagbabayad ay halos naimpang-bayad ko lang ng mga utang, at ang natira ay ipinagpatayo ko ng laboratoryo at ipinagawa ko ng solong kompanya ang anak kong "Nutritionist" at ikinuha namin ng lesensiya ang "BIO-ALCA VIRGIN COCONUT OIL Manufacturing" o "BAVCOMAN" sa DTI, at Munisipyo....wala pa ang BIR dahil inuna namin ang pag-hingi ng lesensiya sa Bureau of Food and Drugs....

Sa hindi malamang dahilan bakit ayaw pang ilabas ko ang produktong ito ng ating "DIYOS" ay naaprobahan naman ang aking "Permanent Residence Visa" sa "Estados Unidos" at kailangan na akong umalis hindi pa man lumalabas ang BFAD Licence to Operate ng kompanya ng anak ko.....

Sabi ko naman sa sarili ko baka magawa ko din ang produktong ito sa Amerika at isa pa puwede naman itong ituloy ng anak ko dahil alam din niya ang pag-gawa.....pero wala ding nangyari.....dahil naaprobahan din ang working visa niya sa Singapore kaya talagang hindi nailabas ang produktong ito.....

June 5, 2005, ang araw na tumuntong ako sa Jacksonville, Florida, sabi ko sa sarili ko, bagong buhay, bagong pag-asa....sabi ko "Land of Promise" ito, baka makakita ako ng taong maniniwala sa akin at tumulong para magawa ko ang produktong "BIO-ALCA VIRGIN OIL" dito, napakaraming sakit ditong walang naging pag-asang gumaling....

July 4, 2005, itinawag ng anak ko na lumabas na ang BFAD Lto pero hindi na niya maasikaso dahil pupunta na siya sa "Singapore" kaya nagbalak na akong bumalik pero may obligasyon pa ako sa Ate ko na siyang sumagot ng pamasahe naming mag-anak na inabunuhan nilang mag-asawa...kailangan munang mabayaran ko iyon sa pagtratrabaho doon....kaya nagbalak akong gumawa ng "VCO" at gumawa ng kumpanya sa Amerika....

Pero hindi ganoong kadali ang mag-produce o gumawa ng produkto sa Amerika, kung mahigpit sa Pilipinas ang BFAD, balitang mas mahigpit dito....kaya kailangang pag-aralan mo muna ang kanilang kalakaran.....sa totoo lang hindi pa ako marunong mag-research sa computer noong panahong iyon dahil bihasa akong sa libro tinitignan ang mga pinagbabasihan ko sa mga research...nakatanim kasi sa isip ko ang sinasabi lagi ni "Ka Luis" na hindi nagkakamali ang libro....

Yung kapatid kong babae na sumunod sa akin ay nagtratrabaho sa isang ospital sa Jacksonville, at sabi ko ikuha niya ako ng kopya ng procedure ng pagkuha ng lisensiya sa FDA, wala naman pala silang kopya noon kaya nag-print na lang siya ng kopya na kuha sa internet....

Ang kapatid ko ay biyuda na at may boyfriend na itim na ang pangalan ay Al...kamag-anak siya ng may-ari ng gumagawa ng T-Shirt na Abercrombie...yun din ang apelyido niya....sabi ko sa sarili ko baka makatulong sa akin ito dahil mukha namang mabait....

Magkakaroon kaming magkakapatid ng reunion doon sa Jacksonville kaya nakisuyo akong magpadala ng ensema at mga yari kong VCO sa kapatid kong mangagaling sa Pilipinas para maipakilala sa lugar na iyon....

At isa sa mga pinasubukan ko sa itim na ito ay ang kanyang ama na hindi na makatrabaho dahil may sakit daw na kanser, hindi nakakamatay ang kanser na nandito sa matanda pero masyadong mahina ang katawan....

May binigyan din akong kaibigan ng kapatid kong babaeng itim din na nagpakilala sa akin na doktora sa isip...dahil sabi niya.... na totoo naman na sobra daw ang taba niya at walang magkagusto sa kanya....

Sa madaling sabi parehong nabigyan ng biyaya ang dalawang ito dahil nagka-trabaho ulit ang tatay ni Al, at ang babaeng si Doctor Elizabeth ay sumeksi at nawala daw ang hingal...

At ang isa pa sa mga kuwento ay nangyari sa village nila Al....minsan daw na umuwi siya ay nagkakagulo daw sa kanilang bahay....nag-iintay daw ng ambulansiya ang kanyang tiyahin at ang batang anak nito dahil parehong hindi makapagsalita at parehong naninikip ang lalamunan.....sa kanilang village ay halos magkakamag-anak ang mga itim kaya nagkakagulo daw sa labas ng bahay nila....naalala niya daw yung binigay ko sa kanya at walang tanong-tanong na pinainom niya ang dalawang ito.....sa lahat daw ng pagtataka ng mga taong naroroon, nawala ang paghingal at paninikip ng lalamunan ng mag-ina, kaya bago dumating ang ambulansiya...naglalaro na ang bata at parang walang nangyari.....

Sa pangyayaring iyon..kumita pa daw si Al...dahil pinilit siya ng mga kamag-anak niya na painumin din sila ng "BIO-ALCA VIRGIN OIL" sa anyong langis kaya siningil niya ng 10 dollars kada kutsara....kaya pala humihingi ulit na hindi ko na binigyan dahil mas kailangan ng aking mga kamag-anak ang kaunting nadala ng kapatid ko....

Ang sumunod na pangyayari ay ang paghahanap namin ng niyog sa mga pamilihan sa Jacksonville at suwerte naman at may nakita kaming isang puwesto sa palengke na kahit na anong pilit namin ay ayaw sabihin kung saan galing, omorder na lang daw kami sa kanya sa presyong dalawang dolyar ang bawat isa...sobrang mahal pero maganda ang niyog dahil napakakapal ng laman at kaunti lang ang sabaw....

Alam ninyo ba bakit ayaw sabihin sa amin ang pinangalingan....kahit na sinabi ko na babayaran ko din sa presyong dalawang dollar kada niyog samahan lang kami...gusto ko kasing masiguro na hindi mawawalan ng stock o dami ng niyog sa sandali na gumawa ako ng kumpanya doon.....

Ayaw niya talaga, dahil sinira ng American Soya Bean Association ang niyog na sinasabing pinangagalingan ng mga sakit katulad ng mataas na kolesterol, cancer, diabetes, at kung ano-ano pang sakit na hindi man lang ipinaglaban ng mga bansang may tanim ng niyog dahil ang mga nasa gobyerno ay nalagyan din o kung hindi man ay sabihin na din nating mga tanga...kaya takot ang nagtitinda at baka kanya yung taniman....

Hindi na din bale basta sinabi niya may makukuha at isa pa, hindi pa din ako sigurado sa FDA dahil iba-iba ang patakaran nila sa bawa't state sa Amerika...at isa sa nabasa ko doon basta may kumpanyang itatayo ay puwede namang mag-import ng mga dietary products...kaya kahit na hindi ko yun doon magawa basta may kumpanya...ayos na din kaya nagbalak na kaming magtayo ng kumpanya....

Si Al at Beth ay parehong gustong sumali sa kumpanya...ang hindi ko nagustuhan dito, gusto sila ang magpatakbo at ako ay lalabas na taga-turo lang sa pag-gawa...dahil sa Pilipinas, Presidente na ako lumalabas pa ang lokohan dahil sa kagahaman sa pera, doon pa kaya sa Amerika....ayaw nila talaga akong maging Presidente dahil siguro sa discrimination na nilalasap ng mga itim tapos ito na isang Pilipino mamumuno sa kanila....pero sige papayag ako kay Al na siya ang maging Presidente pero ite-test ko muna kung hangang saan ang abilidad niya...... at hindi siya nakalusot sa akin....

Ganito po iyon...isang gabi na pumunta kaming tatlo sa isang malayong lugar na hindi sakop ng Jacksonville, pumarada kami sa isang gas station na sarado na dahil alas diyes na ng gabi, at iniintay namin yung taong susundo sa amin na hindi namin alam yung bahay kaya doon namin iintayin.....

Napakaganda ng buwan noong gabing iyon, napakaliwanag na kung titignan mo ay napakalapit sa daigdig, naisip ko ito na ang pagkakataon...sa wikang englis ito ang sabi ko kay Al....bakit ganito ang buwan ninyo, napakaganda at napakaliwanag...bakit yung buwan namin sa Pilipinas, hindi maganda at napakapangit...siyempre kung ito ay may matinong pag-iisip...sasabihin niya niloloko o binibiro ko siya.....aba e nakipagdebate na iisa lang daw yung buwan...e sira ulo ko....e di pinilit ko sa kanya na magkaiba ang aming buwan...sa seryosong pagsasalita...at hindi pa din tumigil siya sa kadedebate sa akin kahit na mangkandaihi na yung kapatid ko sa katatawa...sabi ko sa sarili ko, ito ba ang gagawin kong Presidente.....

Kaya ang ginawa ko, kinausap ko yung Ate ko na kami ang magumpisa ng kumpanya at saka na lang pasalihin yung mga itim para kontrolado ko ang kumpanya....na kanyang pinayagan at sabing tutulungan niya din ako ng walong libong dolyar bilang umpisa pero utang....tuwang-tuwa ako at niyakag ko na yung kapatid kong biyuda na pumunta kami sa paralegal at mag-file na ng kumpanya...maraming hiningi sa amin ang paralegal kaya medyo natagalan ang pagtatayo ng kumpanya....pero nagawa din namin itong korporasyon sa pangalang "Back to Basics Corporation" sa lungsod ng Jacksonville, Florida.....

Pero eto na ang problema...hindi na maibigay sa akin yung walong libong dolyar sa hindi ko malamang dahilan......tungkol kaya sa pamilya ng Ate ko o ang hindi ko pagsali sa kanilang relihion...na hindi ko na inalam kung bakit.....

Sabi ko magtratrabaho na lang ako sa isang kumpanya...para makaipon ng puhunan...at sa kumpanya ni AL na dati kong pinagtratrabahuhan na taga-linis ng mga kotse ay aking bibitawan dahil hindi naman fixed and suweldo, saka seasonal lang....kung tag-init malaki kita mo, pag tag-ulan wala kang kita.....

Nag-apply ako ng trabaho sa Memorial Hospital...sabi ng mga Pilipino dito huwag kong sasabihin kong ano ako sa Pilipinas at kung maari trycicle boy lang ang pakilala ko...na sobrang mali dahil baka pag-drive in ako ng trycicle e hindi naman ako marunong noon...he he

Basta inilagay ko sa application ang talagang pagkatao ko at ang inaplayan ko communication technician dahil maraming branch ang Memorial Hospital sa Amerika...kaya hindi na ako nagulat ng mismong director at manager ang nag-interview sa akin.....suwerte ko dahil na-impress ko yata sila at bibigyan daw ako ng magandang posisyon hindi ng inaaplayan ko pero kailangan na mag-provisionary muna ako sa "Laundry Department" ng tatlong buwan para ma-test ang kapasidad ko na inayunan ko naman.....

Eto maganda.....sa maniwala kayo o hindi....sa medical examination na mahigpit na ipinatutupad sa lahat ng magtratrabaho sa Amerika na galing sa ibang bansa ay kailangang mag-executive check-up ka, tawag sa Pilipinas, sa Amerika kahit na basurero ka, kailangan ito.....sa hindi malamang dahilan, bakit takang-taka sila bakit wala akong history ng sakit at aksidente...dahil sa amerika pala pag tungtong mo ng idad kuwarenta...kung hindi man sakit naaksidente ka na....kalakaran ito sa bansa nila....katakot-takot ang examen na ginawa sa akin at kahit na yung x-ray na ipinakita ko sa Saint Lukes Hospital (Requirement sa immigrant) ay hindi nila pinansin at inulit ang x-ray ko sa napakadaming posisyon.....ayaw maniwala ng Doktora at bionic daw ako at interesadong pag-aralan ang genes ko....hindi ko naman masabing umiinom ako ng VCO at tiyak namang hindi maniniwala....

Kaya trabaho muna, na hindi ko alam na napakabigat at napakaruming trabaho, isa ako ditong linen technician, pero nag-a-angat ako ng tone-toneladang damit at kumot gamit ang pully, at minsan naghihiwa-hiwalay ng mga damit na puro dugo at tae, kumpleto naman sa gadgets, kaso hindi ako makatagal sa amoy...saka hindi ko trabaho ito....naaawa nga yung kaibigan kong si Bob (Amerikano siya)at minsan tinutulungan ako kahit hindi dapat, dahil siya ay may sariling ginagawa at bawal ito.....

Hangang isang araw, wala yung manager namin, me isang supervisor na nagsabing ako ang mag-akyat ng damit at kumot sa mga lalagyan sa kada palapag ng ospital, at part daw iyon ng training ko, hindi ako makatangi kahit na alam kong hindi ko iyon makakaya dahil napakabigat at napakalaki ng rolling tray na ito.....

Nagbakasyon si Bob dahil may-sakit ang tatay niya kaya sabi ko sa sarili ko...patay na, paano ko ito magagawa....lumapit yung isang kaibigan kong Indian, sabi niya hindi ko iyon makakaya at tutulungan ako, nagalit yung puerto rican na supervisor, huwag daw akong tulungan, kung gusto daw niya alalayan na lang ako kung saan-saan dadalahin.....nagalit din yung Indian at pinipilit siya na ang gagawa dahil baka daw ako maaksidente...di ko maintindihan ang pinag-uusapan nila...bakit ako maaaksidente....pero nalaman ko ng mapapayag din yung Indian na alalayan na lang ako...siyempre yun ang bisor kaya kailangan sumunod siya....isa, dalawa, tatlong floor...ok lang kahit hirap na hirap ako....sa pang-apat na floor nanga-ngalog na ang tuhod ko.... at plok....nabali yata yung buto ko sa talampakan...eto pala yung sinasabi noong indian na baka ako maaksidente.....awang-awa siya sa akin at galit na galit sa bisor pero sabi ko ayos lang noong tinanong niya ako...at sabi ko gagawa na lang ako paraan para matangal o makasuhan yung bisor, dahil sa seminar namin bago ako nag-umpisa ay sinabi na bawal sa ospital ang descrimination...descrimination ang ginawa ng bisor sa akin dahil gusto niya makilala ko siya bilang bisor, at may tao talaga palang gumagawa noon...siguro kalat na doon na posibli akong maging isa ding bisor doon kaya sisirain niya ako.....

Noong sumunod na araw, di na ko makapasok, wala namang mag-dra-drive para dalahin ako sa ospital, magang-maga ang paa ko, di ako makalakad...at lalong hindi maka-drive...

Kaya ng tumawag yung manager ko, ang Ate ko pinasagot ko, at sabihing mag-re-resign na lang ako dahil sira na ang provisionary ko....after 5 days pumunta ako sa ospital para mag-resign at ikuwento sa manager ang nangyari sa akin...naunahan na pala ako ng Indian at binigyan na ng suspension yung bisor...siguro para hindi ako mag-resign...kaso desidido na ako dahil namamayat ako at bumagsak ang katawan ko ng 19 pounds simula ng magtrabaho ako at baka doon pa ako mamatay....sabi ko di ako makakaipon para dito sa kumpanyang itinayo namin.....

Nagpaalam ako sa Ate ko na doon muna ako sa California magtra-trabaho na pinayagan naman....isa pa nandoon din ang pamilya ko....

Pagdating ko ng California, Nobyembre 28, 2005, napanood ko sa TV na kumalat na ang produktong Virgin Coconut Oil sa Pilipinas...at marami ang nagpapatunay daw na napakarami ng gumaling sa karamdaman....ano kaya ito...ginamit kaya ang mga patotoong naiwan ko sa San Pablo....paano makakagaling yung VCO, di naman tiyak na ito ang gawa ni "Ka Luis" dahil sa Valenzuela ginagawa, at yung isa sa Batangas....sa loob-loob ko mawawala din ito tiyak....pero hamo na sila tutal di pa naman tapos yung research ko dito sa VCO.....

Sa California ay open ang mga herbal products...sa LA ay napakaraming tindahan ng herbal...at nalaman ko sa research na mga ginawa ko doon na pinayagan ng dating gobernador na pinalitan ng aktor...ang FDA walang problema...basta doon ka sa California kukuha ng ingredients at hindi sa labas ng US di ka na kukuha ng lesensiya...kumpanya na lang ang itatayo mo...kaya kasama ang isang dating kasama sa PLDT, naghanap kami ng mamumuhunan, dalawang Pilipino ang nakita namin dito...na parehong suwapang.....

Yung isa, ayaw magtayo ng laboratoryo at doon na lang daw namin gawin ang produkto sa garahe niya at doon ko din i-produce ang ensema...alam ko naman ang balak niya...gusto lang matutunan ang pag-gawa...yung opisinang gagawin naming laboratoryo, hindi na daw doon gagawin at may ibang business siyang ilalagay.....galing no...di naman ako kahapon lang ipinanganak....

Yung isa babae, may pera talaga....pero noong sinabi niyang hindi ako puwedeng Industrial partner ay 20% lang ang sa amin ng kaibigan ko dahil siya daw lahat ang mamumuhunan ay hindi na ako ulit nakipag-usap....sobrang suwapang nitong babaeng ito....

Sabi ko na lang sa kaibigan ko, kami na lang ang magtayo ng kumpanya at titignan ko kung makakautang ako sa bangko...maganda kasi ang credit score ko na posibling makautang...siya kasi sira na ang credit score...at siya muna ang mag-abono sa itatayong kumpanya na pinayagan at ginawan niya ng paraan...kaya pera niya ang ginastos sa pagtatayo ng "Virgin Palm Products International" na nakabase sa West Covina, California....

Sa sumunod na mga araw ay nag-enroll ako sa Stratford Institute para mag-aral ng kursong "Natural Health Consultant", sa "Global College of Natural Medicine" sana ako mag-aaral kaso masyadong mahal ang matrikula kaya doon na lang muna sa mura...

Sumali din ako sa "Weston A. Price Foundation" para may mga basehan ako sa ginagawa kong librong "If you do not want to live Longer, Healthy, and Happy, Do not read this little book" na alam kong isa si Dr. Mary Enig sa mga Direktor at siyang kumakalaban sa "American Soya Bean Association" at ipalit ang Coconut o niyog sa kanilang langis na pang-luto....sa kanya ako kumuha ng ibang references sa librong ginagawa ko....

Sa mga libro niyang sinulat tungkol sa ating niyog ay labis akong namangha sa kanyang mga research, at isa sa mga nalaman ko na napakasama sa katawan at kalusugan ng tao ay ang hydrogenated oil, o langis na may halong tubig... ito ang mga ikinatakot ko noon dahil yung ini-o-offer sa aking makina ay sumasama ang sabaw ng niyog sa langis kaya maraming nagagawa....hindi ako nagkamali...

Bumili din ako ng mga libro ni Jean Carper, siya ang nagsusulong na gawing gamot ang mga gulay at prutas, kaibigan ko din siya at sa email kami naguusap (Marunong na akong mag-computer noong panahong iyon)...siya ang inspirasyon ko sa pag-gawa ko ng librong "Hippocratic Food Medicine/Asian Art Of Healing" at napakarami ko talagang kinuhang references sa mga libro niya.....

Wala na talaga akong balak bumalik sa Pilipinas at papangatawan ko na ang kumpanyang itinayo namin ng kaibigan ko....hangang isang araw na magpapabago ng buhay ko sa Amerika......ang mga ilog sa Meycauayan, Marilao, at Obando ay ideneklarang pinakamaruming ilog sa buong mundo at ibinalita sa mga diyaryo at telebision na may committee ng mag-aasikaso paano ito lilinisin.....di na ako mapakali simula noong marinig at mabalitaan iyon....kayang-kaya ko itong linisin sa pamamagitan ng aking mga teknolohiya......

At para talagang ayaw ipagawa ng ating "Diyos" ang mga produktong balak kong gawin sa Amerika....hindi naaprubahan ang nilo-loan kong 50 thousand dollars sa Bank of Amerika...noong nagreklamo ako sa kanilang Vice-President ay sinabing ang dahilan ay ang "To much inquiry" sa mga bangko sa Amerika ng kumpanyang Nissan dahil ginamit pala ng manugang ko ang aking pangalan at SSS para kumuha ng sasakyan....ang too much inquiry ay nakakasira ng credit score kaya hindi maibibigay ang aking inuutang...

Alam ninyo ba ang kawalanghiyaan ng mga ahenteng Pilipino at Mexicano sa Amerika pag kukuha ka ng sasakyan....pag good ang credit score mo, papadala agad sa iyo ang sasakyan ng walang down payment...kaya wala silang kikitain...ang down payment ay sa ahente napupunta...kaya ang gagawin nila kahit na may sarili silang financing ay mag-iinquire sa mga bangko....sa unang bangko...siyempre approved ang loan mo....wala silang kita, susubukan ulit sa pangalawang bangko, pag approved ulit, siyempre wala pa din silang kita, kaya susubukan ulit sa ibang bangko....dis-approved na kasi nakikita nilang nang-inquire ka na sa dalawa bakit nag-iinquire ulit pa....at mag-iinquire sila ng mag-iinquire hangang bumagsak ang credit score mo, kaya kung patay na patay ka sa sasakyan mag-da-down ka....ganyan sila kawalanghiya...kahit kababayan ka basta nalaman na bago ka sa Amerika, ang iisipin tanga ka at hindi ka magrereklamo.....e natapat sila sa akin na sobra ang tanga pero marunong magreklamo....

Sa maniwala kayo o hindi ay inaway ko ang kanilang Vice-President at inereklamo ang mga ahente nila, at sinabi kong idedemanda ko sila.....

Kumunsulta ako sa pamangkin ko na nasa Jacksonville (Telepono) kung may balita siyang nagdemanda na sa ganoong pangyayari dahil naging ahente din siya ng kotse at kaya siya umalis e hindi niya masikmura ang kanyang ginagawa....at sabi sa akin "Tito kumuha ka ng magaling na abugado at tiyak magkakapera ka".....

Kaya nagtanong-tanong ako sa mga Pilipino doon kung may kilala silang civil lawyer na Pilipino dahil ayoko sa ibang lahi at baka lokohin lang ako...pero sa maniwala kayo o hindi, walang abugadong Pilipino ang hindi immigration lawyer...malaki siguro ang kinikita doon at sa madaling salita wala akong nakita....

Noon na ako nagdisisyong umuwi at sabi ko six months lang ako sa Pilipinas dahil iniintay ko din naman ang release ng copyright ng mga libro ko at babalik din ako...

Nobyembre 28, taong 2007 ay nasa Pilipinas na ako, balak kong ayusin lahat ng lesensiya ko sa pag-gawa ng produkto sa Pilipinas at baka dito gustong gawin ko ito ng ating "Diyos", pero bago ko ito magawa ay napuntahan ako ng mga GUARDIANS at hinimok na tulungan ko sila sa ilog namin sa Bulacan...hindi naman nila alam na balak ko talaga sila puntahan para matanong kung talagang nililinis na ang ilog...

Wala naman pala at puro lang media...kaya gumawa ako ng copyright kung paano ito lilinisin...at ipinakita ko sa kanila kung paano bubuhayin ang isda sa maruming ilog...pero walang nangyari sa pakikipagusap namin sa Committee ng Blacksmith Institute, ayaw kaming pasalihin sa paglilinis ng ilog at akala yata pondo lang ang kailangan namin....

Mayo 18, 2008 kailangan bumalik na ako ng Amerika...pero naisip ko kung babalik ako at wala pa naman yung mga librong ipinapa-copyright ko e di tatambay lang ako doon, samantalang dito may pagkakataon akong mapatunayan ang galing ng aking mga produkto at makapagtayo ng sariling foundation.....

At isinilang ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." noong Hunyo 24, taong 2008....at dahil foundation namimigay lang ako ng produkto pero di ko pa din ginagamit ang "BIO-ALCA VIRGIN OIL", ito ay maraming nabiyayaan miyembro at mga kamag-anak ng mga miyembro (Pakitignan ang testimonial page, klik ang link sa ibaba ng BIO-ALCA VIRGIN OIL)pero hindi naman nakakatulong sa foundation dahil karamihan ay libre.....hangang sumapit ang Setyembre 26, taong 2009, ang paglubog ng aking laboratoryo sa bagyong Ondoy....sinadya siguro ito ng "Diyos" dahil hindi na ako sigurado sa aking mga ensemang inaalagaan, at itinigil ko na ang paggawa ng produkto....dahil mukhang naa-abuso....

Itong taong 2010, lumabas na din sa wakas ang dalawang copyright na inerihistro ko sa Amerika.....sa mga libro kong ito, sinasabi kung anong dapat mong inumin na pinaghalong ensema ng prutas at gulay at VCO sa anyong kapsula na tumatapat sa iyong sakit...kahit na anong kabigat na sakit as long na hindi ka pa nake-chemo o naoopera kayang pagalingin...katulad ng sa isang miyembro sa Masinloc, Zambales...ayaw niyang magpaopera dahil mahal daw sa sakit sa bato...kaya binigyan ko ng kapsulang may strawberry...awa ng Diyos nakatipid siya dahil libre lang na ibinigay sa kanya....at inilabas niya ang bato ng walang opera....

Ang "BIO-ALCA VIRGIN OIL" sa anyong langis o tubig ay napakabisa sa Diabetes....ang diabetes ay nakukuha sa pagkain at mahinang "Immune System", ang ating produkto ay napakagaling na pangpalakas ng likas na panglaban o "Immune System", kaya kung nagkasakit kayo dahil sa paghina ng resistensiya, ito ang tama....

At ang mga katas, retaso o labi nito ang gagamitin natin sa mga mabahong babuyan at panglaban sa evola virus na sakit ng baboy...gamit din ito sa mabahong basura at mga kemikal na pumapatay ng ating mga ilog.....

Siguro ito na ang tamang panahon para ilabas ang produktong ito, pero wala tayong perang ipangpapagawa ng laboratoryo...di na puwede iyong dati...di yung lulusot sa napakahigpit nating BFAD o FDA na din sa ngayon....

Ang inyong kaibigan ay naghahanap ng sososyo sa kanya....na may mabuting kalooban at hindi suwapang sa pera......dahil ang ibang kikitain ay ibibigay natin sa ating foundation para magamit sa mga proyektong pang-tao at pangkalikasan....

Kung kayo po ay interesado, mangyari pong tawagan ako sa 0915-7194808 0 sa mobile landline na 5459707, o sumulat sa personal kong email add na jaimeleandro@ymail.com.....

Ang kailangan natin ay partnership...between sa sososyo at anak ko...ayaw ko na ng korporasyon dito sa produkto....ang kailangan ko lang sa aking sarili ay royalty fee sa lahat ng produktong gagawin...bibigyan ko din kasi ang taong pinagmulan ng "BIO-ALCA VIRGIN OIL" dahil iyong ang aming usapan....at ipinangangako ko sa taong may mabuting kalooban na sososyo...hindi kayo magsisisi kung ito ay inyong susubukan...magtiwala po kayo sa akin dahil ako ay may takot sa ating "Diyos"!

Gayunman, may lumabas man na mabuting tao na tutulong sa akin o wala, atin pa ding ilalabas itong ating produkto (BIO-ALCA VIRGIN OIL)pagsapit ng mga unang buwan ng taong 2011....kahit hindi na muna yung mga kapsula.....dahil kailangang-kailangan na ito ng ating mga kababayang may mahihinang likas na panglaban (Immune system)dahil sa mga kinakain nating ma-kemikal, gayundin ang pagtulong sa ating kalikasan....

At yung ating "Save Our Nature Philippines Movement" ay mananatiling movement pero hindi na irerehistro para magawang organisasyon...wala ho kasing nagkaka-interes na sumaping organisasyon...karamihan kasi "Fly by night Organization" lang, kaya MOA o memorandum of agreement na lang kung gusto nilang ang gagawa ng mga pangkalikasang proyekto ay ang ating Foundation"!

Yung ating tinatayong kumpanya na "Save Our Nature Philippines, Inc." ay tuloy pa din..dito po yung distributors, workers, at technologies ang mga nakapaloob sa kumpanyang ito, magbebenta po kami o tayo ng shares of stocks dito...kaya kung interesado kayong tumulong sa ating kalikasan....puwede din kayong sumali dito!

Ang naririnig ninyong kantang "pagbabalik' ay tugma sa akin dahil nakalimot akong minsan at nagbalak na ang mga produktong ito ay gawin sa Amerika....hindi na siguro...dahil mas kailangan ito ng aking mga kababayan at bansang "Pilipinas"!

Marami pong salamat sa lahat ng nagbasa at GOD Bless....

Ang inyong kaibigan,

Jaime Leandro Flores Reyes

Ang blog na ito ay inihahandog ko sa aking bayaw at hipag na namatay sa sakit na Leukemia, sa aking ina sa kidney failure, sa aking ama sa low potassium, at nangyari ito noong panahong hindi ko pa alam ang tungkol sa "BIO-ALCA VIRGIN OIL", gayundin sa lahat ng taong namatay sa sinasabing sakit na walang pag-asang gumaling...ngayong araw ng Piyesta ng Patay o All Saints Day......

4 comments:

  1. ang galing nu naman po god bless po,

    ReplyDelete
  2. paano po omorder ng supplement po.

    ReplyDelete
  3. Salamat sa karagdagang kaalaman,marami akong natotonan sa sinulat mo.saan ba nakakaorder nyan .Sakit.info

    ReplyDelete
  4. Titanium Phone Case For Sega Mega Drive
    Download chi titanium flat irons Titanium Phone Case For Sega Mega Drive 1st titanium helix earrings Gen Genesis / Megadrive titanium mens ring from AT&T-GAME. It is equipped titanium strength with 4.2 inch LCD screen titanium properties and offers up to 3,000 games.

    ReplyDelete